Sa lahat ng instrumentong musikal na nakakita ko sa buong mundo, mas nabigyan ako ng pansin ang isa sa mga napakagandang instrumento na talagang namulat sa akin – ang GITARA. Bakit kaya? Ang gitara kasi ay isa sa mga instrumento na tinutugtog lamang sa pamamagitan ng pagkalabit ng mga kuwerdas (o guitar strings kung tawagin) sa pamamagitan ng mga daliri, o di kaya’y plectrum (o guitar pick), habang yung kabilang kamay naman, ay tinitipa ang mga kuwerdas sa fingerboard. Karaniwan kasi ang gitara ay may 6 na kuwerdas (tatlong mababa sa kaliwa, at tatlong mataas sa bandang kanan). Ang tanong. Bakit kaya gustong matutunang tumugtog ng gitara?
Sa una kasi, ang gitara ay mahirap pag-aralan. Kasabay nito kasi, sa bawat tipa ng mga kuwerdas sa kaliwang daliri ay namumuo talaga ang mga kalyo. At isa pa, ay talagang masakit din ito sa kamay. Kumbaga, ay sa una ay sinubukan mo; pero, kalaunan ay iniwan mo na rin, at ayaw mo na ulit gamitin.
Well, ganoon talaga. Kahit sumuko na ka sa una, at naiwanan mo ito kalaunan, ano kaya ang unang lumalabas sa isip mo? Gusto mo na bang bumalik sa pag-aaral ng gitara, at tiisin mo ulit ang hirap na ginagawa mo?
Ang tanong ko sa iyo: “Bakit ka gusto mong tumugtog ng gitara?”
Ang pagkakaalala ko po ay una kong natutunan ang aking pagkahumaling ko sa gitara noong first year high school pa lang ako. Naisipan kong mag-aral ng gitara, matapos kong panoorin ang music video ni Carlos Santana na tumugtog ng isang classical guitar. Kaya napagpasyahan ko na kunin ko ang unang gitara na binili ng nanay ko mula sa Bisaya (apat lamang ang kuwerdas noon, kasi putol ang dalawang kuwerdas). Kaya ang una kong tinugtog ay ang “Passenger Seat.” Bakit? Kasi, apat lang ang chords ng kantang iyan, kaya madali ko po siyang natutunan. Kalaunan, ay inayos ng kapitbahay ang gitara ko, kaya anim na ulit, natutunan ko na lahat ng kantang tinitipa ko sa mga “songhits” na binili ko dati. At ito pa, natutunan ko din kung paano ko tinotono ang gitara sa pamamagitan ng “Chord Improvisation Guide” mula sa songhits na binibili ko dati. Gumawa pa nga ako ng kanta, pero, nakalimutan ko rin kalaunan.
Ngayon, isa na akong mahusay na gitarista, pero, hindi ko naman ibinabahagi ang talento ko sa iba. Kaya naisipan kong gumawa ng blog na ito, para nang sa ganoon, na mabigyan ng pansin ng mga natutunan nang tumugtog ng gitara, at pati na rin ang mga gusto pang mag-aral kung paano tugtugin ang gitara, ang mga nai-apply kong kaalaman sa mga mambabasa, sa wikang naiintindihan natin. Kaya ang nais kong tanungin sa iyo: “BAKIT KAILANGAN MONG MATUTUNAN NA TUMUGTOG NG GITARA?”
Paki-like lang po ng page na ito: www.facebook.com/GitarangTagalog
Susunod na blog post: Paano ba ang tamang pagbili ng gitara?